- 2 comments

Bagyo

Ibinubuhos ng langit
Ang malamig nitong parusa
Panginginig ang tanging naisagot
Sa paghagupit ng matatalim na buga
Sinubukan kong tumingala
Subalit ang langit sa aki'y dumura
Kasabay ng pag-itim ng kalawakan
Inuusig ang aking gunita
Mga ala-alang sumusuntok,
Kumukurot at nan-dadagok
Inuukit ng kidlat
At ibinubulyaw ng kulog
Ang mapait kong kapalaran
At ang naglalaho kong pag-asa
Aagos ang dusa
Malayo pa ang umaga
Sa ilalim ng madilim na alapaap
Ako ay nag-iisa.

2 comments:

Anonymous said...

ganda =)

ako din maganda=)

elvin said...

parang kilala kita. hehe.